Nang ikaw ay masilayan, may kakaiba talaga akong naramdaman.

Tila ba ang mga mata ko ay iyong napukaw kasabay ng puso kong uhaw at kapos sa tinatawag nilang “pagmamahal”.

Ang pagtingin ko sayo’y lumalim.

At ako ay parang isda sa karagatan, nakikipagsapalaran sa isang kawalan, makahanap ng pagkain at makatagpo ng katuwang-kakampi sa bawat kalaban na haharapin sa bawat araw na magdadaan.

 

Pero mag-ingat daw ako.

Dahil ang mata ko ay nakatuon sa ganda mo, sa nag-iisang ikaw. Ang hindi ko pagkurap sa tuwing ikaw ay titingnan ay pwedeng makapuwing sa aking paningin pero hindi ko pwedeng palagpasin ang bawat segundong kasama ka.

 

Pero sabi nila, ingatan ko daw ang aking mga mata.

Ingatan ko daw ang puso kong naging dahilan ng kung bakit ako ay humihinga pa.

 

At ako ay handang mapuwing, kahit masakit. Kapag gusto mong titigan ang iyong mahal, kapag gusto mo siyang mabantayan na para sa pag-iibigan niyo ay walang makahadlang ay tatanggapin ko-mga dumi at alikabok na dadaan, ang mga usok at bubog na sa hangin ay sasama ay hindi ko aatrasan.

Ang lahat ay kakayanin ko,

Kahit tuluyan manlabo ang paningin ko, ang paligid.

Kahit tuluyang manlabo ang iyong pag-ibig.

 

Marahil ay bulag na ako, pero marunong makaramdam ang puso ko na sa bawat tibok ay ikaw ang dahilan nito.

 

Bulag na siguro ako sa ‘yong pagmamahal.

Bulag na ang paningin ko na kailanman ay importante sa aking buhay.

 

 

Pero ikaw,

Ikaw ay bulag sapagkat hindi mo nakita ang sakripisyo ko para mapangalagaan ang kung ano ang ating inumpisahan,

 

Bulag na ako sa pagmamahal.

 

Mahirap ang walang makita. Hindi ko nakita ang paglayo mo. Hindi ko nakita kung saan ka pupunta. Sobrang hirap. Iniwanan mo akong mag-isa sa dilim na ikaw ang rason kung bakit dito ako nakarating.

IKAW ANG DILIM.

 

Ngayong araw napagdesisyunan ko na magpapagamot na ako. Gusto kong masilayan muli ang ganda ng kalawakan na minsan kong binalewala at matagal kong hindi nakita.

 

Nakalimutan ko na ang paningin ko ay mahalaga,

Mas mahalaga sa pagtingin ko sa iyo.

 

At sa aking paaggaling, sa muli kong pagduwang sa bintana, sa muli kong pagtitig sa lahat ng mga nasa paligid,

 

Sa wakas,

 

Nakabalik na ako mula sa dilim. Muli na akong malilinawan-natutunan ko na hindi lahat ng maganda ay liwanag and dala.

Hindi lahat ng maganda ay mapagmahal.

 

Minsan, ang maganda ang masama

Hindi dapat mahalin o tingnan.

 

Hindi ka maganda.

 

(puyat)

 

PhotoGrid_1460180394927

 

Advertisements