NASILAYAN, HINANAP, NATAGPUAN
Stalker na kung stalker
Pero di na kasi siya nawala sa aking isipan,
Mula nung unang araw na aking siyang pinagmasdan.

NATAGPUAN, NAGPAKILALA, KINAIBIGAN
Breezy moves na kung breezy moves ang i-tawag niyo sa aking galawan.
Anong magagawa ko? E sadyang tinamaan!
Simula pa nung unang araw nung kami’y nagkaroon ng usapan.

KINAIBIGAN, IN-EFFORTAN, NA-ATTACH
Oo, ako sa kanya.
Lumalim ang pagtingin, nako, patay na!
Panalangin ko na sana ay ganun di siya,
Tska, pinaparamdam ko naman kung gaano siya kahalaga.

NA-ATTACH, NA-FALL, NAGKA-IBIGAN
Sabi ko sa inyo mga brad, e.
Mabait ang diyos Ama
Panalangin ko’y dininig,
Mga ‘tol, girlfriend ko na siya!

Tiwala niya’y hindi ko sisirain
Mga pangako ko’y aking tutuparin.

NAFALL, NAINLOVE, NAGTATAGAL
I consider myself as the luckiest.
Magdamag kausap, kahit sa pamilya namin pareho kaming tanggap.
Sa susunod sa altar ko na siya ihaharap,
Pero ayokong magsalita ng tapos
basta sa ngayon, kuntento na muna akong lasapin ang sarap.

NAG-MONTHSARY, ANNIVERSARY, NAGAAWAY
Habang tumatagal, lalong lumalala
Ano? Ako na naman ang problema?
Ako parin ang gagawa ng paraan para kami’y magbati na?
Bakit ako nalang lagi dito ang masama?

NAGAWAY, NAGBATI, NAGAWAY ULIT
Di na ‘ko magsasalita
Siya na ang bahala.
Abnormal man siya pero,
Diba dapat yung side ko mahalaga din sa kanya?
nauumay na’ko sa matalas niyang dila
Oo mahal ko siya
Pero tangina, nakakasawa.

NAGAWAY, NAGBATI, NANLAMIG (LALO)
Cold na kami, wala nang matamisan
Napalitan na ng pait
Please. Ayoko nalang pagusapan
Nakahanap na ata siya ng iba
Kaya ayos lang sa kanya na di niya ko nasakasama.

NANLAMIG (overload), NAGKASAWAAN, NAGTAPOS
Sayang! Forever pa naman ang aking inasahan
Pero repa, ayos lang. At least wala nakong paglalaanan
Ng oras at budget, para sa babaeng noon kong pinagpantasyahan

Ako parin naman ito e. Sawi nga lang
Trial & error nga ang umibig. Ang saklap lang malaman.

NAGTAPOS, NASAKTAN, NAG-MOVE ON
Tandaan, halos lahat ng bagay ay may katapusan
Hindi do’n kasama ang pag-ibig. Sadyang nagkamali lang ako ng taong inalayan.

PS.  Walang Forever/Poreber/frvr/4ever..

Advertisements