Pwede bang magpakatanga muna ako sayo? Ang importante naman ay yung pananatili mo dito-sa tabi ko.

Pwede bang magpakatanga muna ako sa inakala kong tunay na pagibig mo? Kung yung kapalit naman nito’y kaligayahan kahit na alam hindi ako ang iyong gusto.

Baka naman pwedeng magpakaalipin, kahit ngayon lang. Alam ko namang hindi to tama, pero gusto kong maging matapang

Totoong ilalaban ko yung sa tingin ko na meron pang pag-asa kahit sa tingin ng lahat ay ako nalang ‘tong asa ng asa.

Umaasa sa isang taong alam ko naman na sa simula palang ay hindi na talaga ako itinuring na mahalaga.

Pero ako, pahahalagahan ko siya, kasi mahal ko siya. Magpapatanga ako, pero sa taong iniibig ko ng totoo. Mahirap man sa parte ko, ang pagbubulagbulagaan ay nakakabisado ko na.

Pwede bang hingiin ko ang inyong suporta? Kaibigan, isang apir naman dyan, pang tanggal lang pagod sa pagiging shunga ng aking sarili para lang maipakita na ako’y totoo at gusto ko siyang manatili.

 

Naks! Salamat.

Pwede naman siguro diba? Baka naman.

Baka sakaling magbago pa.

Malay natin.

Tiwala lang.

Magigising din siya.

 

Magigising din din ako.

Advertisements